Sunday, April 22, 2012

How's The Pain? Worse Than The Fear

Natagpuan mo na ba itong taong kapag tinitigan ka e nalulunod ka sa loob ng kanyang mga mata? Iyong taong parang droga. High na high ka kapag nandiyan siya. Cloud 9! Hindi mo maexplain pero gusto mong lagi mo siya kasama. Katabi. Kayakap. Kalaplapan 
Nakilala mo na ba siya? Iyong taong ilulugar ka sa buhay niya pero hindi mo alam kung saan. May bahagi ka sa puso niya pero hindi ka sigurado kung ano ang papel mo talaga? Pero lahat ng tanong na iyon, nawawala sa isip mo kapag nakangiti na siya. At kapag sinasabi niyang masaya siyang nakilala ka niya. Ayaw ka niyang mawala. Hanggang pagtanda. Pakonti konti, mararamdaman mong mahalaga ka sa isang taong unti unti umaangkin ng iyong puso, ng wala kang kamalay malay. Hindi mo nakokontrol ang iyong sarili. Ang alam mo lang, tama na muna ang mga tanong. Gusto mo lang yakapin ang bawat segundo kasama mo siya. Paisa isa, dahan dahang dumudulas ang mga daliri niya upang hawakan ang iyong mga kamay, sa harap ng maraming tao, o kapag magkasabay kayong naglalakad. Magigising ka na lang isang araw, hinahanap hanap mo na ang amoy ng buhok niya, at kung papaano niya banggitin ang pangalan mo o ang tawagan niyo. Lahat ng simpleng bagay na ginagawa niya para sa ‘yo, katulad ng pagtawag sa telepono, pangangamusta, pagsasabing ‘Mag iingat ka’, ‘Akin ka lang’, ‘Huwag kang mawawala’, ‘Tayong dalawa habang buhay’, ‘Ikaw lang’, ‘Buti na lang nandiyan ka’, ‘Salamat at nakilala kita’, mangangamusta, tatanungin kung ‘Kumain ka na ba?’ at magpapaalang ‘Tulog na, paggising mo bukas, mahal pa rin kita
Naramdaman mo na ba? Na mas masarap sa loob ng mga yakap niya. Mas matamis ang kanyang mga halik at nakakausap mo na siya sa kanyang mata at labi. Sa harap niya, hindi ka lang nagiging ikaw, nailalabas mo ‘yung sarili mong tinatago mo lang sa panaginip, at sa loob ng banyo. Binibigyan ka niya ng lakas ng loob, ng kapayaan, ng inspirasyon at ng dahilan para gumising sa umaga na masaya. Ganado ka araw araw. Kinikilig ka na. Hindi mo ito kailanman naging plano pero sa isang iglap, naging malaking bahagi na siya ng buhay mo. At ikaw rin, sumakop ka na ng malaking lugar sa puso niyang dati ay inaasam asam mo lang.
Pero hindi kayo magkasintahan ha. Pero may tawagan. Hindi magjowa pero nagmamahalan. Magkaibigan pero hindi lang magkaibigan, laging may salita muna bago ‘yung ‘friend’. Pwedeng close, best, sweet, super. Depende sa trip niyo. Para lang maitago ‘yung katotohanang hindi kayo magsyota pero mahal niyo ang isa’t isa. O dahil ‘yung isa lang ang nagmamahal. O parehas pero magkaiba ng level.
Napaisip ka na ba? Na bago siya dumating sa buhay mo, OK naman ang lahat. Pero pagdating niya, parang mas lalong naging OK. Naging special ang halu halo, dumami ang color sa color wheel at may reason ka na para magwish tuwing 11:11 na. Marami na kayong pictures magkasama, iniisip ng mga tao kayo na, ginagawa niyo na ang mga bagay na ginagawa ng magsyota, daig niyo pa nga minsan e. At masasabi mo na lang sa sarili mong mahal na mahal mo siya.
Naihanda mo ba ang iyong puso? Na isang araw matatapos bigla lahat,may matatagpuan siyang iba o natagpuan niya na pala, inilihim lang sa ‘yo. Nakilala niya pala ‘yung gusto niyang panindigan. Naramdaman niya nang mahal ka niya pero hindi sa paraang nararamdaman mo. Saka siya mapapaisip na saibihin sa iyong huwag mo siyang mahalin ng higit pa sa magkakaibigan at hindi niyo na maibabalik kung ano kayo dati. Kung anong mero’n, kung gaano kasaya.
Mula sa pinakamalalambing na palitan ng salita hanggang sa unti unting pag iwas dahil may isang nasasaktan. O may isang wala nang ibang pagpipilian kundi ang lumayo, pilitin ang sarili niya lumimot, ibaling ang kasalanan dahil nagmahal siya, at wala siyang ibang magagawa dahil wala siyang karapatan. Mula sa pinakamalapit na magkaibigan pabalik sa pagiging magkakilala na lamang.
Nasabi mo ba sa sarili mong ‘Tangina, ang tanga tanga ko’ ? Tapos gigising ka araw araw na nakikipaglaban sa sarili mong nararamdaman at pinipilit isiping wala siyang kasalanan. Babalikan mo sa memorya mo lahat ng pinagdaanan niyo at hahanapin mo ang unang pagkakataon na nagkamali ka o siya. Kakapit ka sa mga natitira pang  dahilan kaya nakakaya mo pa tiisin ‘yung sakit.
At sa mga pangako niya. Pukinangina ng mga pangako niya.
Shet lang.
———
Hindi ko na kaya pa magsulat, inuuhog na ako kakaiyak.
@.@

No comments:

Post a Comment