Sunday, April 22, 2012

Goodbye Friend

Tinatanong mo ba minsan sarili mo kung bakit kaya ‘di kayo nagwork out? Ay mali. Tinatanong mo ba PALAGI ang sarili mo kung bakit kaya ‘di kayo nagwork out? Hanggang ngayon ba, hinahanap mo pa rin kung saang banda nagkamali? Anong nangyari? Bakit dati ang OK OK tapos ngayon ang leche leche na?
Ang dami dami kong tanong. Hindi ko rin kasi talaga alam kung bakit naging ganito. Ending na ba ‘to? So ganito ‘yung ending natin? Hindi tayo magkaaway pero hindi rin tayo pwede maging magkaibigan? WWW. As in What Went Wrong. Ang gusto ko lang naman e maintindihan kung bakit hindi na tayo tulad ng dati. Iyong walang ilangan. Ngayon kasi ibang iba na. Alam mo ‘yung nararamdaman ko ‘yung lamig kapag nandiyan ka, kahit tanghaling tapat. Hahaha. Ang weird. At mas weirder pa na I’m actually doing this blog like I’m really talking to you, face to face kahit na alam kong hindi ka na bumibisita sa blog ko unlike before. You were my friend back then. At namimiss na kita. :(
Ang hindi kasi nila alam ay ‘yung thought na namimiss na kita. I miss my friend in you. Sobrang miss na miss ko na. Pero everytime na nakikita kita, I don’t know if it’s on purpose pero you always makes me feel na I’ve done wrong kaya ganito na treatment natin sa isa’t isa. At lagi kong hinahanap in my past kung ano ‘yung nagawa ko. And I end up in the same reason.
Masyado kitang minahal. At nakakainis lang na ‘yung same love which kept us together is the very same love that tore us apart.
I know you are completely happy now without me. At masaya ako para sa ‘yo. Iyon lang naman gusto ko dati pa ‘di ba, na sana lagi kang masaya. 
Saka ayoko na magdrama sa ‘yo kaya dito na lang sa blog ko kasi sabi ko ‘di ba, never na ako ulit magdadrama sa ‘yo. Besides, I don’t think I’ll be seeing more of you again.
Ang dami dami nang nagbago.
You’re a complete new person now, and I guess I just have to agree with that. 
So long.

No comments:

Post a Comment