Sunday, September 18, 2011

Ang Unang Putok!

Ito ang bongga! Nagbabalik BlogSpot na naman ako ulit, hindi dahil sa wiz ko nang beth ang Tumblr, kundi sa sobrang pagkaaddict ko sa Tumblr, 'yung sarili kong account du'n e nagmukha nang recycle bin section, as in more more repost and reblog and everything in between, though dati naman e mas marami akong self made blogs na napopost, ewan ko ba bigla lately, puro reblog na lang ako du'n sa Tumblr ni wata so najisip ko na ditik na muna akil ulit. Carry sana 'yung dati kong BlogSpot account kaso wit kong feel since luma na 'yun, dapat start over however moreover carry over! Nakawin ko na lang 'yung layout ko du'n sa dati kong BlogSpot account tapos ay icocopy paste ko dito para medyo sosyalan dating ng squatter blog na itik!

So, sige na mga Madam, aminin ko na 'yung true purpose true color true or false dahilan kung bakit ako gumawa ng blog dito, tang*na inuusig ang large intestines ko ng aking konsensya e, natatae ako habang nagtatype, ang totoo talagang reason kung bakit gumawa ako ng bagong account dito sa BlogSpot e kasi, naoopen pa ang BlogSpot website sa computer namin sa trabaho! Hahaha! So 'di ba, kapag medyo inaantok ako o kaya namimiss ang outside world, pwede kong bisitahin ng pasikreto ang blog ko bwahahaha! So ipag pray niyo lang na sana huwag madiscover ng kung sino man ang web police ng company namin na nagboblock ng mga websites sa computer namin sa trabaho. Dati kasi naoopen pa 'yung Tumblr tapos biglang wit na bigla.

Ayu'n lang. Sige na, kukunin ko pa 'yung code sa dati kong blog para ilipat dito tapos magdedesign pa ako ng mga kung anu anong keme para kunwari naman may effort 'tong blog na 'to, at aayusin ko rin 'yung Tumblr ko e kasi ang dami na nga reblog, kakabur*t hahaha!

At para naman tigasan mga officemates ko, para sa inyo talaga kung bakit ko ginawa 'tong blog na 'to, para 'di na tayo email ng email, read read na lang ditei. Uupdate ko 'to everyday para every night, may pagkakaabalahan tayo para 'di makakota sa trabaho, chos lamang!

OK, push na, heto ang unang putok, so swallow!

No comments:

Post a Comment